LUNGSOD NG MALOLOS- "Reporter na kami!"
Ito ang mga salitang isinigaw ng 27 katao na lumahok sa ikatlong PUNLAan sa Tag-araw, isang panag-araw na pandayan sa pamamahayag, na isinagawa sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos noong Abril 29 at 30.
Matagumpay ang nasabing worksyap dahil ayon kay Gng. Nene Bundoc Ocampo, punong patnugot ng PUNLA (Pulso ng Madla), tumaas ngayon ang bilang ng mga dumalong manunulat kaysa sa mga nauna nang idinaos na pandayan.
“Ito ang inakasaksesfull na PUNLAan na naisagawa naming, dahil una nakita naming ang yumayabong na interes ng kabataan ngayon sa pamamahayag at ito rin ang may pinakamaraming bilang ng mga kalahok,” sabi ni Ka Nene, na siya ring punong editor ng PUNLA (Pulso ng Madla) at president eng PAHAYAGAN (Pagkakaisa ng mga Mamamahayag sa Bulakan), ang siyang tagapagtaguyod ng naturang pandayan ng pamamahayag.
Idinagdag pa ni Ka Nene na isa sa mga kinikilalan lokal na mamamahayag sa Bulakan na ang nasabing worksyap ay siyang magbubukas ng pinto sa mga kabataan na gustong pasukin ang mundo ng pamamahayag.
“Hindi lang ito worksyap o seminar dahil bukas-palad naming tatanggapin sa aming diary, gayundin natitiyak ko ang dyaryong Mabuhay, ang pinakamatandang lokal na pahayagan sa Bulakan bago ang PUNLA, Newscather, at Newscore sa mga gustong maging dyarista,” aniya pa.
Binanggit din ni Ka Nene na hindi aniya magiging posible ang PUNLAan kung hindi dahil sa suporta ng iba’t ibang sector kabilang ang pamahalaang panlalawigan, Manilaw Water, SM Marilao, ang komunidad, ang sangay ng edukasyon at iba pa.
Sa unang araw ng worksyap, hitik sa impormasyon ang mga lektyur ukol sa pagsulat ng balita at lathalain sa pangunguna ni Ka Nene at ng Tagapamahalang Editor ng pahayagang ito na si Jeeno Arellano. Itinuro ng dalawa ang basic ng pagsulat ng balita, gayundi ang tamang paggawa ng lead ng isang balita. Nagkaroon ng mga role play na humasa sa tinatawag na nose-for-news ng mga kalahok. Ito rin ang naging daan upang maging komportable ang mga kalahok sa isa’t isa habang natututo sa pamamahayag.
Samantala, nagbigay suporta rin si Gob. Joselito R. Mendoza sa paglalaan nito ng maikling sandali upang bisitahin ang ginaganap na pagsasanay at sa pagtitiyak na magkaroon ng mas malawak na PUNLAan sa susunod na tag-araw. Kasama niya na nagbigay ng kanilang maiksing mensahe para sa mga kalahok ang mga Bokal ng Bulakan na sina Christian Natividad at Michael Fermin ng unang distrito, at Glenn Santos ng ikaapat na distrito.
Hinasa rin sa naturang worksyap ang kakayahan ng mga kalahok sa pakikipanayam sa pagdaraos ng isang maliit na press conference kasama si Noel Julao ng Manila Water Company Inc. kung saan naging paksa nito ang itatayong Bulacan Bulk Water Supply Project sa lalawigan. Mariing sinagot ni Julao ang mga tanong na nais malaman ng mga kalahok na isusulat ang balitang kanilang maiisip mula rito.
Hindi rin pinalagpas ng mga manunulat ang pagkakataong mapakinggan ang mga naging karanasan sa pagsusulat ni G. Bienvenido Ramos, dating punong patnugot ng Liwayway Magazine at isang maipagmamalaking Bulakenyo. Eksperto si G. Ramos sa pagsusulat ng mga lathalain na ipinanalo niya ng pitong pagkilala sa Palanca at sa iba pang prestihiyosong gawad-parangal sa bansa. Imahinasyon aniya ang epektibong gamitin sa pagsusulat ng lathalain.
Sa ikalawang araw, nagbahagi naman ng kanyang karanasan at kakayahan si Bb. Rio Rose Ribaya, reporter ng Manila Bulletin. Itinuro ng batang-batang reporter ang mga kaukulang pamamaraan upang maisapraktika ang mga natutunan sa unang araw ng pandayan.
Ani Ribaya, matapos mapaghusay ang pagsulat ng balita gamit ang mga pangunahing puntos sa pamamahayag, awtomatiko nang madidiskober ng mga batang manunulat ang kanilang angking istayl sa pagsulat. Binigyang-diin niya na kaakibat panganib na maaaring idulot ng gayong propesyon sa mga mamamahayag anumang oras, na masasabing hindi akma sa natatanggap nilang suweldo. Gayunpaman, naging positibo ang reaksiyon ng mga manunulat sa pahayag niyang iyon.
Samantala sa huling bahagi ng worksyap, ibinahagi ni Dino Balabo, correspondent ng Philippine Star, reporter ng Mabuhay, at Business Week, ang WORLD o Watch, Observe, Read, Listen, Do it again! na mahalagang estratehiya tungo sa mas mahusay na pagsulat. Tinalakay rin niya ang pagsusulat ng lathalain at nagkaloob ng mga makabuluhang mensahe para sa mga nais maging mamamahayag.Sa pagtatapos ng seminar, tiniyak ni Ka Nene na ang mga isinagawang pagsasanay ay simula pa lamang ng mas tuon pang paghubog sa kakayahan ng mga mamamahayag pang-kampus dahil susundan pa aniya ito ng mga pagsasanay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment